JOSEPH B. ABENOJA  
     
 

Taon 1994 Marso ng matapos ako sa College ng BS-Industrial Technology at nag OJT-On the job training ako sa syudad ng Makati (Trans-Asia Philippines). At sa taon na 1994 Abril din ako natanggap sa Company na ito tumagal ako ng halos 7 years dito,bilang isang Senior Cadd dito ko halos nakilala lahat ng mga kaibigan ko, akala ko noon dito n ako tatanda, mganda ang Company may pangalan, kilala at dumating ang taong 2002 ng magbago management at may-ari ng Company. At dito na pumasok `yong mga di inaasahan ng lahat bumaba ang sahod, nagbawas ng tao, hanggang sa anim(6) nlng kami natira sa Department namin CADD Section, hanggang sa naiisipa ko na rin mag apply sa iba`t-ibang Company di na kasi sapat ung sweldo ko sa amin ako kasi ang inaasahan nila sa bahay Bread Winner ikanga...napasok ako sa LineComm bilang CADD Designer sa DTT Konstract isang Contructor firm bilang CADD designer ito ang huli kong pinasukan na Company.

Isang araw habang nasa site ako sa parte ng Alabang kong saan doon ako naka assign sa FIlinvest Projects under ako ng DTT Konstruct pa noon ng tawagan ako ng isang dating kaopisina si Joel na mag apply kami sa Star Express kung saan nangangailangan daw ng CADD Operators sa bansa ng Japan, isang japanese national ang mismong pumunta dito sa pinas para kumuha ng CADD Operators. Kinabukasan, pinuntahan namin agad, grupo kaming pumunta noon kung tawagin namin Trans-Asia Group (4) apat kami noon pumunta, tatlo ang nakuha, isa ako don at may dalawa pa kaming kasama di namin sila kilala nagkakilala na lang kami sa Ortigas kung saan kami nag aaral ng basic japanese langauge. Lima kaming napaalis noon as Engineer status (1)one year visa. Tatlo kaming magkakasama sa isang Company (Meiritsu Engineering) `yong dalawa ay sa ibang Company. Unang 3months namin ay training regarding kung paano ang Pro/E Software gamitin. Ang sarap gamitin ang Pro/E. Japan! Masarap magtrabaho dito, mga kasama namin sa office mabait sila lalo na ang boss namin si Nishoka San at yung head ng training sa Cadd si Aoyama San. Sila lahat tinuturuan kami ng iba`t-ibang technique sa pag mo-model gamit ng iba`t-ibang software. Pro/E, Solid Work, Solid Design (One Space designer) at Pro/E Wildfire. Ito yung unang project naminng tatlo. na gamit ang software na Pro Engineer.

Ang 1st year namin ang pinakamahirap kasi di namin maintindihan yung salita nila although nag-aral kami ng basic pero iba talaga pag sa conversation na.Ang maipapayo ko lang sa mga gustong pumalaot sa bansang japan ay mag-aral muna kayo ng japanese language para di kayo mahirapan pagdating dito sa bansang japan. Kami sa batch namin lima nag-aral pa rin kami dito ng japanese pero hanggang ngayon masasabi ko sa aking sarili na di parin sapat `yung nalalaman ko sa japanese language. Anyway... so bale yung 3 years namin ni rere?new kami yearly pero ngayon 3 years na yung visa namin at ito pa ang maganda nakuha ko yung familya ko yung asawa`t anak ko nabigyan sila ng visa (dependent visa for 1 year) masaya! dati magkakasama kami nina Joel at Richard sa bahay pero ngayon pansamantalang nahiwalay dahil kumuha ako ng sarili bahay na inuupaan.....syempre dati libre ang upa ng kuryente at gas lang ang binabayaran naming tatlo....pero nung humiwalay na ako sagot ko na lang mag isa. Marami na rin kaming kaibigan. Mga Filipino din sa simbahan kami lagi nagkikita-kita every Sunday. Dahil sa tulong ng isang pare na si Padre Jun Peralta na laking Cebu tubong Ilocano pinasok kami ni Richard bilang isang choir sa simbahan. Mababait ang mga kapwa nating Filipino dito sa simbahan (Nagoya Cathedral) yung mga kapwa naming Filipino na nasa Japan Kung gusto nyo kaming makita pasyalan nyo kami sa Nunoike Church. Well maraming salamat sa lahat ng tumulong dati sa amin para maka-alis at maka-pagtrabaho sa ibang bansa una sa Poong maykapal sa aming kalusugan. Sa Agency (Star Express) na tumulong para mag-ayos sa aming mga papeles maraming maraming salamat. I know, We know na maraming blessing pa ang darating sa inyo...keep up the good works. MABUHAY kayo! To the management and staff of Star Express I would like to extend my deepest gratitude.

Joseph B. Abenoja
Nagoya, Japan

 
     
  Head Baker
POEA Reg. No. 1018935
ABU DHABI, UAE

Must have at least 3 years related experience.
 
     
  Shelf Stocker
POEA Reg. No. 10114750
CANADA

Must have at least 2 -3 years related experience.
 
     
  Receptionist
POEA Reg. No.10194697
ABU DHABI, UAE

Must have at least 3 years experience in a saloon.
 
     
  Interior Decorator

DUBAI, UAE

Experience is an advantage but NOT REQUIRED.
 
 
USA Japan Canada
 
Malaysia United Arab Emirates KSA
 
Singapore Kuwait Manila
 
Copyright 2011, STAR Express Placement Inc.